Agila
Composer: Rose Danelyn M. Lagnayo
Interpreter(s): Rose Danelyn M. Lagnayo
Accompanist(s): Jim Z. Lombiso
Jan Transmonte
Lyrics
Sa mga pagsubok na dumarating
Sa ating buhay ay wag masyadong intindihin
Kase, tayo lang ay tatanda
Ngumiti ka lang, kaya mo yan, wag kang mabahala
Di mo kailangan mgmuk-mok at mag-isa
Tumayo ka, at lumaban hanggang sa manalo ka
Chorus
Lipad, parang agila
Lawakan ang isipan mo at mag-tiyaga ka
Lipad parang agila
Gawin mo dapat at manalig ka 2x
Kayang kaya mo yan
Oh… lipad…
Magsikap, para umasenso
Magdasal lagi sa Panginoon, wag kakalimutan ito
Kailangang isa puso mo, lahat ng gagawin maliit o malakihan man ito
Di mo kailangang magmuk-mok at mag-isa
Tumayo ka, at lumaban hanggang sa manalo ka
Repeat Chorus 2x
Ngunit minsan, ay di naiiwasan
Tayo’y nadadapa, at nasusugatan
Pero kailangan pa nating lumaban
Kayang-kaya mo yan, wag na wag kang susuko
Di mo kailangan magmuk-mok at mag-isa
Tumayo ka, at lumaban hanggang sa manalo ka
Repeat Chorus 2x
