Dalangin Ko Para Sa’yo
Composer: Omar Justin Ariete
Interpreter(s): Gino B. Perez
Accompanist(s): Eduardo Nigel de Castro
Lyrics
Sa pag-ihip
Ng hanging kay lamig
Nananabik
Sa Iyong piling
Aking Panginoon
Nadarama
Sa bawat sandali
Tanging hiling ko lang Ikaw
Sa akin ay manatili
At pag-ibig na hindi magmamaliw
Dalangin ko
Ang maalay ang lahat
Para sa Iyo
Pagmamahal at kabutihang totoo
Hanggang sa dulo ng mundo
Buhay iaalay at wagas na puso
