Awitenista 2008

Agila

January 20th, 2008

Composer: Rose Danelyn M. Lagnayo

Interpreter(s): Rose Danelyn M. Lagnayo

Accompanist(s): Jim Z. Lombiso

Jan Transmonte

Lyrics

Sa mga pagsubok na dumarating

Sa ating buhay ay wag masyadong intindihin

Kase, tayo lang ay tatanda

Ngumiti ka lang, kaya mo yan, wag kang mabahala

Di mo kailangan mgmuk-mok at mag-isa

Tumayo ka, at lumaban hanggang sa manalo ka

Chorus

Lipad, parang agila

Lawakan ang isipan mo at mag-tiyaga ka

Lipad parang agila

Gawin mo dapat at manalig ka 2x

Kayang kaya mo yan

Oh… lipad…

Magsikap, para umasenso

Magdasal lagi sa Panginoon, wag kakalimutan ito

Kailangang isa puso mo, lahat ng gagawin maliit o malakihan man ito

Di mo kailangang magmuk-mok at mag-isa

Tumayo ka, at lumaban hanggang sa manalo ka

Repeat Chorus 2x

Ngunit minsan, ay di naiiwasan

Tayo’y nadadapa, at nasusugatan

Pero kailangan pa nating lumaban

Kayang-kaya mo yan, wag na wag kang susuko

Di mo kailangan magmuk-mok at mag-isa

Tumayo ka, at lumaban hanggang sa manalo ka

Repeat Chorus 2x

Peninsula

January 20th, 2008

Composer: Gould Macrhey Barbas

Interpreter(s): Faith P. Go

Accompanist(s): Dezalie A. Arroza

Angelo Joy A. Banta

Gould Macrhey Barbas

Deo Perez

Lyrics

I

Kay rami nang tao ang nakita

Sa buong mundo

Ngunit ni isa ay

Walang katulad mo

II

Simple lang kung ikaw

Ay aming pagmasdan

Ngunit lumalabas ang tapang

Kapat naaapakan

Refrain

Ang sigaw mo ng pagbabago

Ay aming isasapuso

Chorus

O Noypi!

Lumipad ka

Sa mundo

At ipakita mo

Na kaya

Mong lumaban

Ang iyong katauhan

Ay hindi ang siyang hadlang

III

Maraming beses na rin

Sinubukang tibagin

Ang tibay ng iyong puso’t damdamin

IV

Ngunit walang nagtagumpay

Sa lakas mong taglay

Handa mong ialay

Ang sarili mong buhay

Refrain

Itaas mo ag iyong mga kamay

Abutin natin ang halik ng tagumpay

Nakikiusap, Kabataang Katutubo

January 20th, 2008

Composer: Niño Kim R. Diez

Interpreter(s): Eduardo Nigel S. De Castro

Accompanist(s):   Niño Kim R. Diez

                              Ergie H. Lantong

                              Kevin John T. Malinog

                              Retchor Umpan

 

 

Lyrics

 

I

Salamat po Panginoon

Sa kalikasang biyaya mo

Kay sarap sanang makisaya

Ng mga ibong gala na nagliliparan

 

II

Minsan inaabangan ko

Ang pagsikat ni inang araw

Kay sarap pagmasdan

Ang natitirang munting kagubatan

 

Chorus

Kaya kami ngayo’y

Nakikiusap sa inyo

Tigilan n asana

Ang paninira ng kalikasan

Nakikiusap kabataang katutubo

 

III

Sa kagubatan kami kukuha

Ng aming kailangan

Paano kami kung tuluyan nang

Mawawala ang munting kagubatan

 

(Repeat chorus)

 

Bridge

Tigilan ang pagsisihan

Tayo na’t magkaisa

Tungo sa kapayapaan at kaunlaran

Dito sa Mindanao

 

(Repeat chorus 2x)

 

« Previous PageNext Page »